Sunday, September 20, 2009

Ano nga ba talaga??

Hello sa lahat! Eto na naman ako, siguro nagtataka kayo kung bakit tagalog ang version na ginamit ko ngayon. Sa dahilan na, ito ang gusto ko at gugustuhin ko kahit kailan. Hindi ko alam kung paano at saan ako magsisimula sa kwento ko. Bigla lang pumasok sa isip ko na magsulat at magkwento gamit ang aking blog. Ito ang hilig ko ang magkwento at kahit sino pa dyan ang tutol wala ka nang pakialam dahil blog ko ito at hindi sau, akin ito at igalang mo ang gusto ko. Sana, ikaw nababasa mo ito. Oo, ikaw nga wala nang iba! Inhale, Exhale. Araw ko ngayon kaya walang magrereklamo. Basahin mo na lang kung anong kwento ko.

Galit. Lungkot. Nalilito. Masaya. Apat na pakiramdam pero naguguluhan ako. Hindi ko alam kung alin sa mga yan ang dapat ko maramdaman. Ginagawa ko na maging balance ang lahat nang bagay sa paligid ko at sa mga taong nakakasama ko. Ito ang nararamdaman ko at ito ang dapat mo malaman. Ikaw..Ikaw..Ikaw..Gusto ko maging patas sa'yo at ayoko na dumating sa huli na sisihin ko ang sarili ko at sisihin mo din ako. Ayokong magsisihan tayo dahil walang maidudulot na maganda. We can get good benefits by means of understanding. Oo na, iintindihin na lang kita pero sana maintindihan mo din ako. Pero ano pa ba ang dapat ko intindihin? Ano din ba ang dapat mong maintindihan sa akin? Meron pa bang kulang o hindi ko nalalaman at dapat mong malaman? Ano nga ba talaga? Hinihintay ko na balang-araw maisip mo ang nararamdaman ko. Sana makuha mo kung anong ibig ko sabihin sa sinasabi ko. Hay nako! Oo alam ko masyado akong madrama..Eh sa ganito ang genre ko ngayon may magagawa ka ba? mapipigilan mo ba ko? aangal ka? ..Genre? Oo genre nga! Parang sa kategorya ng musika. Basahin mo na lang para maunawaan mo ang mga pinagsasasabi ko. Bakit ba kase lagi ka na lang ganyan? Hindi ko alam kung dapat ba ko magalit sa sarili ko o sau o sa ginagawa mo. Magagalit ako sa sarili ko dahil sa mga tama/mali na iniisip ko o magagalit ako sa'yo dahil ganyan ka o magagalit ako sa ginagawa mo dahil nasasaktan ako. Ano nga ba talaga?? Pwede bang sabihin mo naman sa akin para malaman ko. Ay, oo nga pala, pano mo masasabi sa akin kung hindi mo naman pala naiisip. Is it too much to ask for you? Alam mo kung anong sinasabi ko. Oo ikaw nga..at ikaw lang wala nang iba! Sana talaga nababasa mo 'to. Alam ko sanay na ako na laging ganito ang nangyayari pero natatakot akong dumating yung oras na biglang maging manhid ang puso ko at ang sarili ko sa mga ganitong bagay. At alam ko na kung anong sasabihin mo sa akin kapag nabasa mo ito..kung mababasa mo nga ito. Sabi nga sa message ni God sa akin, "That every little part of you is magical, even the parts that hurt. It's alright to love what is in pain. More than alright, that's exactly where your love is needed the most. So why not touch that part that hurts and smile at it, at yourself through it, and whisper: I love you." Sa totoo lang laging ganyan ang ginagawa ko "smile at it." God is always right because He is perfect. Pero may oras din na napapagod akong gawin ito at hindi ko masisi ang sarili ko at mas lalong hindi mo din ako masisisi kung ganito ang nararamdaman ko. Pero kapag naiisip ko yung lagi mong sinasabi sa akin napapangiti ako at napapa-isip din ako. Ano nga ba talaga? Alin ba sa mga kategoryang yun ang tama at mali?? Tama..Mali..Tama..Mali. Sana kapag naisip mo na, sabihin mo sa akin.

*** Oh la la!
Gusto ko lang ipaalam na walang halong pag-iinarte o dahil sa nagsulat ako just to please you. Kung negative ang iniisip mo, you're wrong. I wrote this entry to express my random thoughts and feelings. And of course, it's my day and time for sharing! ♥♥

No comments: